VIRAL: Kris may buwelta matapos tawagin si Bimby na "baklain"



Nagyabang na nang kanyang mga blessing si Kris Aquino sa kanyang Instagram account at inisa-isa nito ang mga projects partikular na ang mga naka-line up na endorsements na gagawin nya.

Nag-quote muna si Kris tungkol sa pakikipagbakbakan sa baboy..

@krisaquino, “Never wrestle with Pigs. You both get dirty and the pig likes it”.

Sa caption ng posting ipinangalandakan na ni Kris ang pagiging number one endorser nya para lang ipamukha sa pinututungkulan nyang “baboy” umano na blessed sya at may katuturan siya sa lipunan.

@krisaquino, “Regardless of the fact that Ariel just renewed my endorsement until after election in 2019 & I’m shooting for Safeguard next week-ayokong sayangin yung deeper clean for better freshness & anti bacterial protection na dulot nung dalawa sa higit na kwarentang produktong pinagkakatiwalaan ako. Opps! Good I remembered sa Saturday yung contract signing ko for the Philippine’s largest home grown makeup brand & on Monday I’m signing an endorsement for 1of the biggest water providers of our country.

“Omg, sayang kung masira yung magandang make up & ayoko talagang mag-aksaya ng tubig na sure akong pang Healthy Family..Pasensya na pero hindi ako pinalaki para makipagsapalaran sa kabastusan.

“I strive to earn an honest living, pay my 35% in income tax as a responsible citizen, share my blessings by opening more food outlets that will provide more jobs, continue supporting feeding & outreach programs under the mission of my Catholic Faith, and above all else be the best mother I can be.

“My Mom didn’t raise me to just be a survivor, she raised to me a deserving winner. Kick me down, and time has taught me-someone in heaven just makes sure to strengthen my wings..#positivitywins.”

Bagamat, walang partikular na pinatatamaan si Kris sa kanyang message quote nyang ito, suspetsa ng kanyang mga followings na si Jay Sonza ang tinutukoy nito.

Tinawag na “Baklain” ni Jay Sonza sa kanyang Facebook postang bunsong anak ni Kris na si Bimby sa komento nito tungkol sa recent accident nang bata sa swimming pool.

Advertisement
Ang buong punto ni Jay ay ang hindi pagbibigay importansya nang ibang media sa kaganapan nang pagputok ng Mayon Volcano at ang sa mga namatay dulot ng Dengvaxia, isang vaccine na anti-dengue.

Mas pinapaboran pa raw na ibalita ang aksidente ni Bimby sa pool kaysa ang magkaroon ng follow-up sa mga national issues na binanggit nya.
Pinoste ni Jay ang komento nya nong miyerkules sa ganap na 8:30 am.

“Hindi alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa Philippine media ngayon. Akalain mo, nadulas lang sa swimming pool iyong baklaing (huyangon ug panglawas) si Bimby, anak ni Kris Aquino sa pangatlong kinasama nyang lalaki, headline ng maraming himpilan ng radio at telebisyon?

“Samantalang yung pagputol ng Mount Mayon na nagdulot ng panganib sa halos 50k at iyong patuloy na pagdami ng namamatay sa Dengvaxia wala o di kaya pahabol na istorya lang..what, when, where, why and how?”

Isang following ni Kris ang naghatid ng balitang ito sa photo posting ng kaganapan sa paga-alala sa birthday ng kanyang ina sa IG wall nito.

@zielie, @krisaquino have you read what Jay Sonza says about Bimby’s accident? You need to put this man on his right place!!

Bastos ang bunganga ng walang pinagkatandaang matanda na yan.

Semegunda naman ang isa pang following ni Kris.

@lady_rebecca, “@ziellie hope kris will read the Jay Sonza’s remarks. K asuhan mo Kris.”

Sinagot ni Kris ang naunang following nya.

@krisaquino,”@ziellie success is the ultimate answer to unmerited mean spiritedness. Just today, manager fielded 2 new solid offers from 2 big multinationals. When hatred is thrown your way for no apparent reason & to the best of your knowledge you never caused offense – God truly has His ways to level the playing field”.

Ipinaliwanag ni Jay sa sagot nya sa nag-comment tungkol sa ‘baklain’ na ang ibig nyang sabihin ay clumsy, as in madaling matisod, sumabit, matapilok, tumumba at iba pa. Humingi naman nang paumahin ang dating TV news anchor sa kanyang mga followings sa temino na ginamit nya, na dapat sana’y mas malinaw na translation.

Inulan naman nang kung anu-anong pambabatikos si Jay sa posting nya. Kung anu-ano ang tinawag sa kanya na “matanda”, “gago”, “laos”, “papansin” at kung anu-ano pang panlilibak sa kanyang pagkatao.

Donn Marco Alejandro, “tumatanda po kayong BASTOS!..Mga bata HINDI dapat idinadamay sa pamumulitika mo. Kawawa ka naman..Wala ka pang puwesto kahit araw-araw kang humihimod ng puwet!”

Rmie Dumali, “BASTOS, balahurang matandang unyangong matanda na walang pinagkatandaan.”

Alkenjohn Manalo, “Ulol! Yang pagiging beluga mo atupagin mo, pati banaman bata craulo tong gurang nato! Bata sasabihan mo nang ganyan. Kung gusto mo talon ka sa bunganga ng Mayon malay mo di na pumutok tutal mukha ka namang uling.”

Higit na sa eight hundred comments ang nag-load sa posting na ito ni Jay at hanggang ngayon ay patuloy pa ang paglobo ng comments ng netizen. May 5.3k likes na rin ito at 740 shares.

Sinusulat ang item na tila walang follow up si Jay sa isyu at parang wala rin syang intensyon na bakbakin ito sa kanyang FB wall.

Sa kabilang banda, wala pang kasunod na posting si Kris para buweltahan uli ang dating GMA News anchor at Radio commentator, bagamat may mga naguudyok na followings nang dating TV host na idemanda nito ang broadcast personality.

Source: Abante


Sponsor



No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.