Good News: $1.25-B bagong investment, bunga ng pulong ng Pilipinas at India



Isang “investment facilitation agreement” ang nilagdaan ng Pilipinas at  India matapos ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indian Prime Minister Narendra Modi.

Ito ang inihayag ni Indian External Affairs Ministry Spokesperson Raveesh Kumar matapos ang unang gabi ni Pangulong Duterte sa India para dumalo sa selebrasyon ng 25th Commemorative Summit  ng India-ASEAN Dialogue Partnership.

Ayon kay Kumar, napag-usapan ng dalawang leader ang  trade and investment, defense and security, edukasyon  at kooperasyon.

Bago umano magpulong sina Pangulong Duterte at Modi ay nakipagpulong na rin ang Indian Leader kina Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.

Una nang inanunsyo ng Malakanyang na nagtungo ng India ang Pangulo dahil sa personal na imbitasyon ni Modi sa ginanap ang 31st ASEAN Summit sa Pilipinas  noong   Nobyembre.
Advertisement
WATCH THE VIDEO HERE:



Source: PTV News

Sponsor


Loading...

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.