MUST WATCH! SA WAKAS LUMABAS NA ANG TUNAY NA NANGYARI SA RESORTS WORLD MANILA!

Pinabulaanan ni Chief PNP Ronald dela Rosa na may kinalaman sa terorismo ang nangyaring pamamaril at panunog ng isang gunman sa Resorts World Manila kaninang madaling araw.

Napasugod agad sa area si Dela Rosa kasunod ng naganap na insidente kung saan hindi kinagat ang umano’y pag-ako ng ISIS sa pamamaril at panununog.

Sinabi ni Gen. Dela Rosa, batay sa CCTV footage, isang mukhang foreigner o banyaga ang suspek na nanloob sa stockroon ng casino at inilagay sa bag ang mga chips.

Ayon kay Dela Rosa, taliwas sa pahayag ng mga saksi, isa lamang ang suspek at wala itong kinalaman sa ISIS terror group.


Advertisement
Naniniwala ang heneral na posibleng pagnanakaw ang motibo ng suspek na nanunog pa ng casino table gamit ang gasolina.

Samantala, nananatili pa ring nakakordon ang buong paligid ng Resorts World Manila kasunod ng naganap na pamamaril at panununog ng armadong lalake sa loob mismo ng hotel and casino.

Una kanina, binulabog ng putok ng baril ang mga guests ng Resort World Manila sa Pasay.

Ayon sa ilang mga nakasaksi, ilang hindi pa mabilang na mga armado at nakamaskarang kalalakihan ang pinagsusunog ang mga mesa sa casino area.



Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of NEWSMEDIAPH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.