BREAKING NEWS! Kumpirmadong Patay Na ang Suspek sa Resorts World Manila shooting – PNP


Kinumpirma ni Chief PNP Ronald dela Rosa na na-neutralized o patay na ang suspek sa pamamaril at panununog sa Resorts World Manila kaninang madaling araw.

Sinabi ni Gen. Dela Rosa, nabaril ng mga operatiba ang nasabing suspek na umano’y nanlaban.

Pero sinabi naman ni NCRPO chief Oscar Albayalde na nagpakamatay ang suspek at nagsunog pa ng sarili.

Una kanina, pinabulaanan ni Dela Rosa na may kinalaman sa terorismo ang nangyari sa Resorts World Manila.
Advertisement
Napasugod agad sa area si Dela Rosa kasunod ng naganap na insidente kung saan hindi kinagat ang umano’y pag-ako ng ISIS sa pamamaril at panununog.

Sinabi ni Gen. Dela Rosa, batay sa CCTV footage, isang mukhang foreigner o banyaga ang suspek na nanloob sa stockroom ng casino at inilagay sa bag ang mga chips.

Ayon kay Dela Rosa, taliwas sa pahayag ng mga saksi, isa lamang ang suspek at wala itong kinalaman sa ISIS terror group.

Inabot ng ilang oras na lockdown ang ipinatupad ng PNP sa paligid ng hotel and casino bago tuluyan na-neutralized ang gunman.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]



Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of NEWSMEDIAPH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.