BREAKING NEWS! KAMPO NG MAUTE GROUP NAPASOK NG MGA SUNDALO MADUGONG BAKBAKAN ANG NAGAGANAP

Umabot na sa 19 na miyembro ng Maute Group ang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Butig, Lanao Del Sur.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman, Brig. Gen. Restituto Padilla na Lunes ng umaga, umabot na sa 19 na miyembro ng nasabing grupo ang nasawi habang anim na naman ang nasugatan sa hanay ng mga sundalo.

Tiniyak naman ni Padilla na nasa maayos nang kondisyon ang mga sugatang sundalo na pawang ginagamot ngayon.

Ayon kay Padilla, ang ginawang pagkubkob ng Maute Group sa bahagi ng bayan ng Butig ay pagpapakita na malakas ang kanilang pwersa upang makakalap ng suporta mula sa mas malalaking teroristang grupo.
Advertisement
Sa huling datos ng AFP, nasa 100 lang ang miyembro ng nasabing grupo at mayroon silang 70 armas.

Pero ayon kay Padilla, patuloy ang pag-recruit ng grupo para sa mga bagong miyembro.

Sa ngayon sinabi ni Padilla na nagpapatuloy ang kanilang opensiba sa bayan ng Butig, at ang mga apektadong residente ay inilikas na.



Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of NEWSMEDIAPH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.