BREAKING NEWS! 11 sundalo patay, 7 sugatan ng Sumablay ang airstrike ng militar sa Marawi City

Labing isa sundalo ang nasawi habang sugatan ang pitong iba pa matapos magkamali ang Philippine Air Force sa pagsasagaw ang airstrike sa Marawi City.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na wala namang sibilyan ang nadamay sa airstrike.

“Yesterday we had a tragedy also that involves our troops. A group of our military, army men were hit by our own airstrike. We lost, 10 killed and 7 wounded,” pahayag ni Lorenzana.
Advertisement
Paliwanag ni Lorenzana, dalawang eroplano ang nagbagsak ng bomba sa Marawi. Tama naman umano ang unang eroplano sa pagbabagsak ng bomba sa mga kalaban. Gayunman, sumablay ang ikalawang eroplano dahilan para tamaan ang tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Lorenzana, SF260 Marchetti light trainer aircraft na gawa sa Alenia Aermacchi sa Italy ang ginamit na eroplano sa airstrike.

Sa ngayon ayon kay Lorenzana, may ginagawa ng imbestigasyon si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Ano.

“It’s a very sad day for us but sometimes that happens, sometimes in the tug of war, maybe the coordination was not properly done so we hit our own people,” pahayag ni Lorenzana.

Pero ayon kay AFP spokesman Brigadier General Restituto Padilla, umakyat na sa 11 sundalo ang nasawi sa airstrike.



Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of NEWSMEDIAPH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.