MODUS NG MGA VAN NA NANGUNGUHA NG KABABAIHAN PARA PAGSAMANTALAHAN AT PATAYIN,NAKUHANAN...

BABALA: Kaninang madaling araw nung tinakbo namin ni mama ang papa ko sa St. Lukes dahil nanikip ang dibdib niya at di maka hinga...
Naiwan namin lahat ng cellphone ni mama at papa sa bahay which is nandun lahat ng importanteng contacts kaya kailangan ko bumalik magisa para makontak mga kamag-anak tungkol sa nangyari.
Mga 2:30 ng madaling araw, nag-abang ako ng taxi sa tapat ng S&R The Fort na katapat lang ng St. Lukes emergency side magisa kahit nanginginig na ako sa panic sa nangyare sa Dad ko.
Advertisement
Huminto ang Innova (brown) sa tapat ko. Di naman ako nagisip ng masama dahil unang naisip ko is baka grab lang siya at nagaantay ng pasahero niya.
Tumagal siya ng halos 5-10 minutes don. Binaba niya ang bintana niya at sabi sakin "Ate may itatanong lang ako"
So in good faith naman ako tumulong kasi iniisip ko na baka nawawala siya.
Sabi ko, "ano po yon manong?"
Laking gulat ko nang inilabas niya ang ari niya at biglang may lalaking bumaba sa likod at hinawakan ako sa braso.


Kinabahan ako at nanlamig ako sa takot. Pero mabuti nalang naisip kong pwersahin ng tanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Sabay takbo ng malayo.
Pinicturan ko agad agad ang sasakyan at dali dali akong tumakbo sa guard.
Mabilis namang kumarupas ng takbo yung driver dahil nakita niyang pinicturan ko ang sasakyan niya.




Sponsor
- Kuya, kung sino man ho kayo sana wala na ho kayong iba pang nabiktima pa. Nakakatakot at baka ang mga babaeng walang pwersa ay naisakay niyo sa sasakyan niyo at baka kung anong pang-aabuso na ang nagawa niyo sakanila.
MAGINGAT KAYO!!!
PLATE #: AAJ 7450
Toyota Innova (brown)
- please let everyone be informed of this car. Baka makita niyo to around the fort at mabiktima rin kayo!

[SOURCE]

PLEASE LIKE OUR OFFCIAL FACEBOOK PAGE


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of NEWSMEDIAPH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Loading...

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.