BREAKING ! AMERIKANONG PEDOPHILE NA NANGMOLESTIYA NG 9-ANYOS NA BATA NAARESTO SA TUGUEGARAO

Ang inaresto ay kinilalang si Cody Dean Turner, 38-taong gulang, nakatira sa Teresita Boulevard, Barangay Tanza, Tuguegarao City. Sa kahilingan ng U.S Embassy sa Maynila, isinilbi ng BI Fugitive Search Unit ang mission order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente.
Advertisement
Kinansela na ng US State Department ang pasaporte ni Turner kaya isa na siyang undocumented alien na maaari nang i-deport kaagad. 

Bukod sa pagiging undocumented alien ay isang undesirable alien ang suspek na may dalang panganib para sa seguridad ng publiko. Ayon sa Inquirer, si Turner ay nahatulan noong 1999 ng pangmomolestiya sa isang 9-anyos na batang babae sa Holiday Island sa Arkansas.

Sponsor
Si Turner ay ilalagay sa immigration blacklist ng bansa upang masigurong hindi na siya muling makapapasok ng bansa at makapaminsala ng mga kabataang Pilipino.

[SOURCE]

PLEASE LIKE OUR OFFCIAL FACEBOOK PAGE


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of NEWSMEDIAPH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Loading...

No comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.